💛 ONE SAFE TINIG | WORLD SUICIDE PREVENTION DAY
May halaga ka, Kabarkada. Hindi ka nag-iisa. Ang Apas National High School–Barkada Kontra Bisyo (BKB) at National Drug Education Program (NDEP) ay nakikiisa sa paggunita ng World Suicide Prevention Day sa pamamagitan ng One Safe Tinig, tampok ang mga mensahe ng pag-asa mula sa ating mga katuwang: 💛 Emm Julie Rose Luna, RPm Health Program Officer II, Tawag Paglaum–VSMMC 💛 Nerizza Conie E. Camacho, RGC Guidance Counselor III, Abellana National School Bilang bahagi ng One Safe Apas: A 360° Protection Against Drugs, Vices and Violence, mariin nating kinokondena ang bullying at anumang uri ng karahasan. Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralan at pamayanang ligtas, may malasakit, at handang makinig nang walang panghuhusga. Sa bawat pakikinig at pagdamay, naipapaalala nating walang kailangang humarap sa mabibigat na pinagdaraanan nang mag-isa. Kabarkada, kung nahihirapan ka, maaari kang lumapit sa isang pinagkakatiwalaang nakatatanda, guidance counselor, o mental health professional. Karapat-dapat kang pakinggan at suportahan. One Voice. One Vision. One Safe Apas. #OneSafeTinig #OneSafeApas #WorldSuicidePreventionDay2026 #BarkadaKontraBisyo #NDEP #ApasNHS #MentalHealthMatters
Completed